No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Nakahanda ang DSWD sa STS 'Paeng'

Ayon kay DSWD Sec. Erwin Tulfo, lahat ng rehiyon ay may naka-posisyong relief goods para sa mga apektado ng bagyong Paeng. Ngayon umaga ay papunta na rin sa Maguindanao ang mga truck na may dalang food packs.


Naghanda rin ang ahensya ng cash assistance na nasa P5,000 hanggang P10,000, kung saan ang mga lokal na pamahalaan ang magpapamahagi sa mga kwalipikadong makatatanggap ng nasabing tulong.


Sinabi rin ni Sec Tulfo na ang DSWD, sa mga panahong may bagyo ay “all hands on deck” ang kanilang mga opisyal at empleyado.
Binahagi rin niya na kagabi pa lamang ay nagmo-monitor na ang Pangulong Bongbong Marcos sa sitwasyong dulot ng bagyong Paeng. Patuloy aniya ang kanyang pagu-update sa Pangulo sa pamamagitan ng text.


About the Author

Kate Shiene Austria

Information Officer III

Information Officer III under the Creative and Production Services Division of the Philippine Information Agency. 

Feedback / Comment

Get in touch