LUNGSOD NG MAYNILA -- Bilang pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., agad na inatasan ni General Manager Melquiades "Mel" Aypa Robles ang mga sangay ng Philippine Charity Sweepstakes Office kaakibat ng mga Authorized Agent Corporations (AACs) ng ahensya na hatiran ng tulong ang mga nasalanta ng bagyong Paeng.
Simula Sabado, ang PCSO at ang mga AACs ay namigay na ng tulong sa iba’t ibang lugar sa bansa na na labis na naapektuhan ng bagyo.
Ngayong araw naman nagtungo si PCSO GM Robles sa San Jose, Biñan, Laguna, isa sa mga lugar na naapektuhan ng nagdaang bagyong Paeng upang hatiran ng tulong ang mga biktima ng bagyo.
Katuwang si PCSO Laguna Branch Manager Lady Elaine Gatdula at ang RAMLOID Corporation ang STL AAC ng lalawigan.
Ani GM Robles, sinisikap ng PCSO na lahat ng apektado ng bagyo ay maabutan ng agarang tulong at iba pang pangangailan upang agad na makaahon mula sa sakuna.
"Anuman ang kulay, aayudahan. Gaya ng palagiang sambit ng ating mahal na Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, sama sama tayong babangong muli," saad ni GM Robles.
Samantala, tuloy tuloy naman ang relief operations na isinasagawa ng ilan pang mga ACCs katuwang ang mga branches ng PCSO upang agad na makaahon ang ating mga kababayan na biktima ng sakuna. (PCSO)