No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Ilang depektibong produkto na nakumpiska sa Agusan del Norte at Butuan City, sinira ng DTI

LUNGSOD NG BUTUAN – Umabot sa P30,816 halaga ng nakumpiskang substandard na mga produkto sa lungsod ng Butuan at lalawigan ng Agusan del Norte ang sinira sa sa pangunguna ng Department of Trade and Industry Agusan del Norte.  Sinaksihan din ito ng mga representante mula sa Commission on Audit, local government units at local media.

Napag-alaman na ang nasamsam na mga produkto ay kulang sa mga marking at sticker na isa sa mga kinakailangan at ipinapatupad ng Bureau of Philippine Standards o BPS. 

Ayon kay DTI Agusan del Norte provincial director Lorejane Sacote, ang mga produktong ito ay maaring magbigay banta sa kalusugan at maglagay sa  kapahamakan ng mga mamimili.

Kabilang sa mga sinirang produkto na umabot sa 55 units ay ang induction rice cookers, rice cookers, electric food mixers, electric kettles, led energy-saving light series, at mono block chairs.

Determinado ang DTI na kumpiskahin ang lahat ng mga produktong may paglabag sa naayong standard. May kaukulang parusa din ang mga establisyementong hindi sumusunod sa patakaran ng BPS at DTI

Kaya’t nanawagan si director Sacote sa mga nagnenegosyo pati na rin sa mga mamimili na maging alerto at palaging suriin ang mga produkto na kanilang bibilhin. (NCLM, PIA Agusan del Norte)

About the Author

Nora Lanuza

Approver

CARAGA

Feedback / Comment

Get in touch