No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Estudyante mula sa Pinagbuhatan High School, lalahok sa ASEAN quiz

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Isa si Brian James Cerdena ng Pinagbuhatan High School sa Lungsod Pasig, sa tatlong estudyante ng pampublikong eskuwelahan mula sa iba’t ibang dako ng bansa ang nakatakdang sumali sa 10th ASEAN Quiz Regional Competition sa Myanmar sa Disyembre 11-17, 2022.

Ang dalawa pang kakatawan sa Pilipinas para sa panrehiyon na kompetisyon ay sina Amelia R. Persia ng Donsol National Comprehensive High School sa Rehiyon V, at Key B. Calpito ng Cabarroguis National School of Arts and Trade sa Rehiyon II.

Kabilang ang mga estudyante sa top three winners sa katatapos lamang na 10th ASEAN Quiz National Competition na nilahukan ng 17 mag-aaral ng Grades 9-10 mula sa 17 rehiyon ng bansa. Idinaos ang pambansang kompetisyon sa PTV Broadcast Center sa Lungsod ng Quezon noong Mayo 17-20, 2022.

Bukod dito, lalahukan ang ASEAN Quiz Regional Competition ng 10 ASEAN member countries kabilang ang Pilipinas, Vietnam, Cambodia, Malaysia, Brunei Darussalam, Thailand, Lao PDR, at Singapore.

Ang ASEAN Quiz na nagsimula bilang proyekto ng ASEAN Committee in Culture and Information (COCI) noong 2002 ay isang bi-annual na kompetisyon na nilalahukan ng mga estudyante ng pampubliko at pribadong eskuwelahan sa sekundarya mula sa 10 ASEAN Member States.

Bilang karagdagan, nilalayon nitong isabuhay ang diwa ng malusog na kompetisyon sa mga kabataan ng ASEAN sa isang friendly quiz game para isulong ang kaalaman at pag-unawa sa mga papel at tungkulin ng ASEAN, partikular sa pagkamit at pagpapanatili ng kapayapaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng rehiyon; pagpapaunlad ng pagkakaibigan sa mga kabataang ASEAN, pagtataguyod ng kamalayan sa ASEAN sa publiko at hikayatin ang pakikilahok ng pribadong sektor sa mga kaganapan.

Ang mga kinatawan ng Pilipinas sa nakaraang pitong Regional Competitions ay pare-parehong nanalo: noong 2002 (pinangunahan ng Thailand, individual delegates competition) – 1st at 2nd place; noong 2004 (pinangunahan ng Brunei Darussalam, individual delegates competition) - 1st place; noong 2006 (pinangunahan ng Malaysia, individual delegates competition) – 2nd place; noong 2009 (pinangunahan by the Philippines - country competition) – 1st place; noong 2012 (pinangunahan by Cambodia - individual country competition) – 1st place; noong 2014 (pinangunahan ng Vietnam - individual country competition) – 1st runner up; noong 2016 (pinangunahan ng Lao PDR - individual country competition) – 1st runner up; at sa 2018 (pinangunahan ng Indonesia - individual country competition) – 2nd runner up.

Noong 2020, hindi nakasali ang Pilipinas sa 9th ASEAN Quiz Regional Competition na pinangunahan ng Singapore dahil sa patuloy na mobility restrictions sa gitna ng COVID-19 pandemic kasabay ng mga bagyo (Rolly at Ulysses) na tumama sa bansa. (deped/pia-ncr)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch