LUNGSOD CALOOCAN, (PIA) --Naging matagumpay ang isinagawang National Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 na pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay noong Oktubre 27, 2022.
Ayon sa PCG, sa pamamagitan ng aktibidad, napagbuti ng nila ang kakayanan ng bansa sa pag-responde tuwing may insidente ng "oil spill" sa malawak na katubigan ng bansa.
Mahalaga rin aniya ang isinagawang pagsasanay dahil napagbuti nito ang kooperasyon sa gitna ng PCG at iba pang maritime stakeholders sa pagtataguyod ng "marine environmental protection."
Nakibahagi rin sa naturang pagsasanay ang PCG Auxiliary, Philippine National Police-Maritime Group, Harbor Star Shipping Services Incorporated, RMS Petroleum Technology, Waste Management Corporation, at Malayan Towage and Salvage Corporation.
Nagsagawa sila ng simulation exercise patungkol sa "firefighting, abandoning ship, search and rescue, at oil spill response operation." (PCG/PIA-NCR)