No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MTIT-BARMM nagpaalala sa umiiral na price freeze sa rehiyon

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Nagpaalala ang Ministry of Trade, Investments and Tourism ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MTIT-BARMM) na umiiral ang price freeze sa buong rehiyon kasunod ng paghagupit ni #PaengPH.

Ito ay sa ilalim ng Proclamation No. 4 na inisyu noong Oktubre 29 ni BARMM Chief Minister Ahod Ebrahim na nagdedeklara sa rehiyon ng Bangsamoro sa ilalim ng state of calamity dahil sa malaking pinsala dulot ni 'Paeng.'

Kaugnay nito ay nanawagan ang MTIT sa mga negosyante sa rehiyon na sumunod sa batas na nag-uutos ng price freeze sa basic commodities upang masiguro na sapat ang suplay ng pagkain sa merkado.

Kabilang sa basic commodities na babantayan ng MTIT ay ang mga de-latang isda, locally manufactured instant noodles, bottled water, tinapay, processed milk, kape, kandila, sabon, detergent, at asin.

Ayon sa MTIT, ang mga lalabag ay maaaring maharap sa pagkakakulong ng isa hanggang 10 taon o multa mula P5,000  hanggang P1 million. (With reports from MTIT-BARMM)

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch