LUNGSOD NG QUEZON (PIA) -- Isa na sa host ng Kumusta Pilipinas si Enggoy, ang resident host puppet ng Philippine Information Agency (PIA), sa DWDD 1134kHz AM “Katropa” AFP Radio kasama sina Major Cenon C. Pancito III at A1C Glen Gultian.
Sa nasabing programa, iba’t ibang proyekto ng gobyerno ang tinatalakay at ibinabahagi sa sambayanan. Bukod dito, mayroon ding kumustahan, pagbati at komento.
Ngayong araw, ika-9 ng Nobyembre, nakasama ni Enggoy si Katropang Nick Lipana Echevarria. Masayang tinalakay ng dalawa ang tungkol sa naganap na total lunar eclipse, pagdiriwang ng National Children’s Month, isasagawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, at ang magiging pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ASEAN Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

Kaya tara na at sabay-sabay na makinig at manood ng Kumusta Pilipinas sa DWDD tuwing Miyerkules, 10:00-11:00 ng umaga para sa makabuluhang talakayan.
Muling balikan ang episode ngayong araw, dito : https://www.facebook.com/dwdd1134/videos/958601568452470 (RA - PIA CPSD)

