No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mahigit 35K eco-bricks, naging produkto ng Solid Waste Granulator at Brick-Making Facility -MMDA

LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita! Simula noong Abril 2021 hanggang nitong Setyembre 2022, marami na ang nagawang by-products ng Solid Waste Granulator at Brick-Making Facility na nasa Vitas Pumping Station sa Tondo, Maynila.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), umabot na sa 35,461 piraso na ng eco-bricks ang nabuo na ginagamit sa mga walkways; 2,999 piraso naman ng concrete hollow blocks na ginagamit sa mga pasilidad ng MMDA, at 91 piraso ng concrete barriers na nakapuwesto sa mga pangunahing lansangan.

Ang Solid Waste Granulator at Brick Making Facility ay bahagi ng inisyatibo ng MMDA bilang suporta sa Metro Manila Flood Management Project na may layuning mabawasan ang mga pagbaha sa Metro Manila o National Capital Region sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga solid waste sa mga daanang tubig. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch