No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

"MIndanaONE" inilunsad ng PIA

LUNGSOD NG  BUTUAN --  Inilunsad ng Philippine Information Agency (PIA) kamakailan lamang ang pinakabago nitong electronic publication na pinangalanang MindanaONE sa ilalim ng programang Unified Messaging in Mindanao.

Abot-kamay na ang mga tampok na balita sa mindanao sa pamamagitan na hatid ng MindanaONE ang mga pinakamabigat at pinakamatunog na balita mula sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga Region.

Sa utos ni PIA Director-General Ramon Lee Cualoping III at sa pangunguna ni Deputy Director-General Abner M. Caga, binuo ang Unified Messaging in Mindanao bilang priority thrust na magiging daluyan ng "#ExplainExplainExplain" banner program ng ahensya at maiparating sa grassroots ang mga magagandang balita tungkol sa mga serbisyo ng pamahalaan at sa mga komunidad na naaabot nito.

Ayon kay DDG Caga, “Layunin ng  Unified Messaging in Mindanao na ipaabot ang mensahe ng pagkakaisa sa makabago at sulit na pamamaraan na hangad ng kasalukuyang administrasyon at mga balita laman ang mga serbisyo ng gobyerno sa isla ng Mindanao na siyang tahanan ng ibat’-ibang katutubo at moro."

Ang mga balita sa napakalawak na Mindanao ay na-aaccess anumang oras sa kahit saang lokasyon sa pamamagitan ng MindanaONE gamit lamang ang cellphone. Ipapalabas ang mga isyu ng naturang magazine dalawang beses sa isang buwan.

Ang tampok na balita sa unang edition ng MindanaONE ay pinamagatang, “We go Devcom, says PIA chief", kung saan isinusulong muli ni DG Cualoping ang development communication (DevCom) sa PIA sa tulong ng mga regional directors sa Mindanao Cluster ng ahensya. 

Para sa pinakabagong isyu ng MindanaONE, bisitahin lamang ang opisyal na Facebook page ng PIA Caraga sa https://www.facebook.com/ PIACaraga, at i-scan lamang ang QR code. (RLE/DMNR/PIA-Caraga)
 

About the Author

Venus Garcia

Information Officer V

CARAGA


Feedback / Comment

Get in touch