No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

De kalidad, murang produkto, mabibili sa Consumer Bazaar sa Makati

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Inaanyayahan ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang publiko at ng Economic Enterprise Management Office (EEMO) sa gaganaping Consumer Bazaar sa lungsod.

Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Makati, ang naturang bazaar ay gaganapin sa Makati City Hall Quadrangle, Brgy. Poblacion sa Nobyembre 17 at 18, 2022, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Layunin ng programa na makapagbigay ng makatwiran at murang presyo ng mga dekalidad na produkto para sa publiko.

Paalala sa mga nais magtungo sa bazaar na magdala ng sariling eco-friendly bags, magsuot ng face mask at sumunod sa health protocols. (My Makati/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch