No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Marketing agreement sa pagitan ng SISPA at BJMP, nilagdaan

LUNGSOD NG KIDAPAWAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA)—Isang marketing agreement ang nilagdaan kamakailan sa pagitan ng San Isidro Sustainable Program Association o SISPA sa lungsod ng Kidapawan at Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa bayan naman ng Kabacan upang maisulong ang produksyon at kasapatan sa pagkain.

Nakapaloob sa kasunduan na magsusuplay ang SISPA ng kanilang mga produktong gulay tulad ng talong, kalabasa, broccoli, pechay, sibuyas, pipino pati na kamatis at iba pang farm products sa BJMP-Kabacan.

Ang marketing agreement ay alinsunod din sa layunin ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty o EPAHP, special program ng Department of Social Welfare and Development o DWSD.

Umaasa si Dino Bulambao, presidente ng SISPA, na ang kasunduan ay magbibigay daan sa maayos na benta at income para sa SISPA at tiyak na suplay ng pagkain naman para sa BJMP ng Kabacan.

Samantala, ikinagalak naman ng City Social Welfare and Development Office ang hakbang na ito na siyang makatutulong nang malaki sa SISPA gayong karamihan sa mga kasapi ng asosasyon ay mga miyembro rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps. (With reports from CIO-Kidapawan)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch