No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Sign language workshop, isinagawa ng Taguig lgu

LUNGSOD QUEZON, (PIA) –Nagsagawa ng Filipino Sign Language (FSL) Training Workshop ang Pamhalaang Lungsod ng Taguig Martes, Nobyembre 15, bilang pakikiisa sa Deaf Awareness Week.

Ang pagsasanay na pinamagatang "DEAFusion: Bridging the Group" ay dinaluhan ng mahigit sa 200 Barangay Association of Persons with Disabilities of Taguig City (BAPDTC) officers at isinagawa sa Lakeshore Hall, Lower Bicutan, Taguig City.

Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano, layunin ng Pamahalaang Lungsod na madgdagan ang kasanayan ng mga dumalo sa pakikipagtalastasan sa mga taong may kapansanan sa pagdinig.

“Batid natin ang kakayahan ng mga kababayan nating may kapansanan at kung paanong hindi nagiging hadlang ang kalagayan nila para makapagtrabaho at makiisa sa lipunang ating ginagalawan. Mayroon mang mga balakid, handang gumabay ang lungsod palagi,” pahayag ng Punong Lungsod.

“Tulad ng kakulangan ng access sa impormasyon sa kadahilanang limitado lamang ang sign language interpreters, Ssnisikap ng pamahalaang lungsod na magkaroon ng pagsasanay ang mga sign language interpreters sa tulong ng Talk with your Hands ng Human Resource Office,” dagdag pa niya.

“Maraming tagumpay ang nakamit ng lungsod na may kaugnayan ang mga kababayan nating Persons with Disabilities at sisikapin pa nitong bumuo ng mga programa na tutugon sa pangangailangan ng lahat ng sector,” ani Mayor Lani.

“Maaasahan ninyo na ang city government of Taguig ay patuloy na magbibigay suporta sa ating Persons with Disabilities Affairs Office at City Health Office para mapagbuti ang mga serbisyo para sa mga kapatid nating Deaf. Sa pagpasok ng susunod na taon, sisiguraduhin namin na mas maraming programa ang mapapakinabangan ng ating mga Persons with Disabilities if you will all cooperate,” dagdag pa ni Mayor Lani. (taguig pio/pia-ncr)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch