No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

‘Kadiwa ng Pasko’ inilunsad sa Makati City

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inilunsad nitong Miyerkules, Nobyembre 16 ang ‘Kadiwa ng Pasko’ sa Makati City Hall Quadrangle.  

Sa pangunguna ng Makati Economic Enterprises Management Office, Department of Trade and Industry, at Department of Agriculture, layunin ng layunin ng programa na masuportahan at tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga produkto sa murang halaga.

Pinangunahan ni Makati City Vice Mayor Monique Lagdameom, together with the Special Assistant to the President Antonio Ernesto Lagdameo, Jr., at iba pang opisyales ng lungsod.

Samantala, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos, Jr.  ang paglunsad ng ‘Kadiwa ng Pasko’ sa Brgy. Addition Hills sa Lungsod Mandaluyong.

Kabilang sa market sites sa Metro Manila ay sa Valenzuela City Hall, Derham Park, Pasay City, Brgy. Tumana Covered Court, Marikina City, Mandaluyong City College Gym, Quezon City Hall, Parañaque Sports and Social Hall, San Juan City Hall, Camp Aguinaldo, Quezon City, at sa harap ng Caloocan City Hall. (My Makati/PIA-NCR)

#ExplainExplainExplain

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch