LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Bilang maagang Pamasko, ibinalita ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig na buong araw na ang operations ng Pasig Mega Market.
Ayon sa pamahalaang lungsod, simula nitong Lunes, Nobyembre 21 hanggang Disyembre 31, ang operating hours ng Pasig Mega Market araw-araw ay simula 5:00 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.
Paalala rin ng pamahalaang lungsod sa market vendors at stall owners na mahigpit na ipinatutupad ang ‘Tapat Ko, Linis Ko’ sa palengke. (Pasig City/PIA-NCR)