
LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Magandang balita!
Sa darating na Martes, Nobyembre 29, handog ng Pamahalaang Bayan ng Pateros ang "Kadiwa ng Pasko," sa pakikipag-ugnayan sa Office of the President, Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DILG), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at ng National Labor Relations Commission (NLRC).
Ito ay gaganapin sa G. Flores St., Brgy. Poblacion, Pateros, mula 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.
Layunin ng programa na masuportahan at tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na maibenta ang kanilang mga produkto sa murang halaga.
Ang ‘Kadiwa ng Pasko’ ay magtatagal sa Bayan ng Pateros hanggang Miyerkules, Nobyembre 30, 2022. (Pateros/PIA-NCR)