No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga panukalang batas na mag-aangat sa buhay ng mga mag-aaral at magsasaka, isinusulong ng BTA

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Inihain kamakailan ni Member of Parliament Amilbahar Mawallil ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang magkahiwalay na panukalang batas na naglalayong mapabuti pa ang buhay ng mga magsasaka at mahihirap na mga estudyante sa rehiyon.

Isa sa panukalang batas na isinusulong ni Mawalil ang pagtatag ng Bangsamoro Scholarship and Return Service Program para sa mga mahihirap na estudyante.

Ayon kay Mawalil, tinutulungan ng nasabing panukalang batas ang kwalipikadong mga mag-aaral mula sa rehiyon na gustong magpatuloy sa pag-aaral sa anumang unibersidad at kolehiyo sa bansa.

Sa kabilang banda ay inihain din nito ang Parliament Bill No. 62 na kilala bilang Bangsamoro Coffee Industry Development Act of 2022 na lilikha sa Bangsamoro Coffee Research and Development Institute. Ito ay upang itaguyod, paunlarin, at pangasiwaan ang industriya ng kape sa rehiyon.

Ang nasabing research institution ay bubuksan sa Mindanao State University sa Jolo, Sulu kung saan nagmumula ang sikat na homegrown signature coffee -- ang “Kahawa Sug,” na kilala rin bilang “Sulu Robusta.” (With reports from Bangsamoro Government).

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch