No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Expanded number coding, suspendido sa Nov 30

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa darating na Miyerkules, Nobyembre 30, 2022.

Ang temporary suspension ng number coding ay bilang pagdiriwang ng Araw ng Kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio.

Ang Araw ni Bonifacio ay idineklara bilang isang regular holiday sa buong bansa.

Muli namang manunumbalik ang number coding sa Kamaynilaan sa Huwebes, Disyembre 1, 2022.

Ang expanded number coding ay ipinatutupad simula 7:00 hanggang 10:00 ng umaga at tuwing 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Paalala rin ng MMDA na patuloy na sumunod sa batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch