LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Nakabenepisyo ang mga residenteng naapektuhan ng bagyong “Paeng” sa Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte mula sa Women’s Health on Wheels (WHoW) clinic na idineploy ng Ministry of Health ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH-BARMM) at Department of Health Region 8.
Ang nasabing mobile clinic ay nag-aalok ng 24/7 na libreng paanakan, prenatal care, post-natal care, family planning services, bakuna sa mga bata, at bakuna kontra COVID-19.
Magbibigay serbisyong medical ang WHoW sa loob ng anim na lingo na pinangangasiwaan ng grupo mula sa Eastern Visayas Medical Center at ng Schistosomiasis Hospital na binubuo ng mga doctor, midwife, at nurse na mananatili sa lugar.
Ang WHoW ay magsisilbing health facility bilang tugon sa mga naapektuhan ng sakuna. Layunin nitong magbigay ng mabilis na serbsiyong medikal lalo na sa kababaihan. Ito ay pinondohan ng United Nations Population Fund (UNFPA) at ng pamahalaan.
Kabilang sa tatlong natukoy na prayoridad na mga bayan sa probinsya ay ang Datu Blah Sinsuat at Upi. (With reports from Bangsamoro Government).