No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Higher Islamic studies sa BARMM, isinusulong ng BTA

LUNGSOD NG COTABATO (PIA) -- Isinusulong ng Bangsamoro Transition Authority ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BTA-BARMM) ang panukalang batas na bubuo sa Bangsamoro Regional Institutes for Higher Islamic Studies. Ito ay upang mas maiangat pa ang Madaris (Islamic schools) sa rehiyon.

Sa ginanap na sesyon kamakailan ay inihain ng BTA ang panukalang batas na tinawag na " Regional Madrasah Graduate Education Act of 2003” o ang BTA Bill No. 31.

Sinabi ni Member of Parliament at education minister Mohagher Iqbal na ang nasabing panukala ay makatutulong upang mapabuti ang pananaw, estratehiya, at istruktura ng Islamic education.

Dagdag pa rito, makatutulong din aniya ang nasabing batas sa pagsusulong ng pagsasanay sa Islamic education at pagsasagawa ng mga pananaliksik sa pagbuo ng mga textbook at iba pang mga babasahin para sa Madaris Institutions sa lahat ng antas.

Ayon pa kay Iqbal, ang Madaris education ay mayroong mahalagang epekto sa espirituwal na pag-unlad ng mamamayang Bangsamoro na naghuhubog ng mabubuting mamamayan na namumuhay ayon sa moral principles at Islamic values. (With reports from Bangsamoro Government). 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch