No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Kamandag Exercise 2022, nagpapatuloy sa Palawan

Kamandag Exercise 2022, nagpapatuloy sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Nagpapatuloy ang isinasagawang ‘Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat’ o KAMANDAG Exercise 2022 sa Palawan.

Ayon kay Capt. Miguel Bayudan ng Philippine Marines at Officer In-Charge ng Unmanned Aerial Systems (UAS) Operations, ang nasabing pagsasanay sa pagitan ng United States Marine Corps (USMC) at ng Philippine Marine Corps (PMC) na tinaguriang ‘Operation of the Warriors of the Sea’ ay isang combined interoperability operations.

Aniya, kabilang ang Palawan sa pinagdausan ng Kamandag Exercises 2022 na nagsimula noong Oktubre 3. Ang iba pang lugar na pinagdausan nito ay ang Cavite, Cagayan, Batanes, Subic at Tarlac.

Sinabi rin ni Capt. Bayudan na sa Palawan ay naka-pokus lamang ang pagsasanay sa UAS operation, amphibious reconnaisance at small boat operation. Partikular na pinagtuunan sa pagsasanay na ito ang maritime awareness at coastal defense.

Ipinakita ng isang miyembro ng United States Marine Corps (USMC) kung paano ang pagpapalipad ng drone o ang unmanned aerial system (UAS) sa isinasagawang KAMANDAG Exercise 2022 sa Palawan. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

Sa ginanap na UAS operation nitong Oktubre 10, sinabi ni Capt. Bayudan na upang mahasa pa ng mga miyembro ng Philippine Marines ang kanilang kaalaman at kapabilidad sa paggamit nito ay malaking tulong ito partikular sa Human Assistance and Disaster Relief (HADR) Operation.

Malaki aniya ang tulong ng paggamit ng drone, dahil sa pamamagitan nito ay nalalaman ang mga lugar na may landslide, mga sirang tulay at mga kalsada na hindi maaaring daanan at agad itong magawan ng paraan.

Sa kasalukuyan ay mayroong dalawang Super Swiper, Mavic Pro at commercialized drone ang Philippine Marines sa Palawan, ayon kay Capt. Bayudan.

Ang Kamandag Exercise ay ika-6 na taon nang ginagawa sa bansa at ito ay itinuturing ng mga miyembro ng Philippine Marines na renewal ng pakikipagkaibigan at pagiging allies natin sa ibang mga bansa, pagtatapos na pahayag ni Capt. Bayudan.

Magtatapos ito sa Oktubre 13, 2022. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch