No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Pondo para health insurance subsidy, naaprubahan na

LUNGSOD QUEZON (PIA) -- Ibinalita ng Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Secretary Amenah F. Pangandaman ang pag-aapruba sa pagpapalabas ng P2,021,895,000.00 sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) para sa National Government (NG) health insurance premium subsidy para sa mga mahihirap na miyembro nito.

Sinasaklaw ng Special Allotment Release Order (SARO) ang subsidy ng natitirang 673,965 ‘indigent members’ na naka-enroll sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) para sa Enero hanggang Disyembre 2022.

“We are happy that before this year ends, we were able to cover the remaining subsidy for the health premiums of our kababayans. This is our way of showing that the DBM supports President Marcos Jr.’s goal of providing affordable and inclusive health care for all Filipinos (Masaya kami na bago matapos ang taong ito, nabayaran na namin ang natitirang subsidy para sa health premiums ng ating mga kababayan. Ito ang aming paraan ng pagpapakita na sinusuportahan ng DBM ang layunin ni Pangulong Marcos Jr. na magkaloob ng abot-kaya at inklusibong pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino),” sabi ni Pangandaman.

Ang pinakahuling release ay ilalagay sa ilalim ng FY 2022 built-in appropriation na bahagi  ng National Health Insurance Program (NHIP) ng PHIC.

Nakapaglabas na ang DBM ng mahigit P79.93 bilyon sa pamamagitan ng tatlong magkahiwalay na SARO para sa subsidy na tumutugma sa iba't ibang pagsingil para sa buong taon (Enero hanggang Disyembre 2022). Sinasaklaw nito ang mga premium ng health insurance ng mga 21,161,308 na hindi direktang nagbabayad ng kontribusyon.

“Maganda po ang hangarin ng National Health Insurance Program. That is why we made sure po that the program will have a continuous fund for next year. In fact, for fiscal year 2023, the DBM has allocated over P100 billion for its implementation (Maganda po ang hangarin ng National Health Insurance Program. Kaya naman sinigurado namin na ang programa ay magkakaroon ng tuluy-tuloy na pondo para sa susunod na taon. Sa katunayan, para sa FY- 2023, ang DBM ay naglaan na ng mahigit P100 bilyon para sa pagpapatupad nito),” ani Pangandaman. (DBM / PIA-NCR)

About the Author

Alice Sicat

Information Officer IV

NCR

Assistant Regional Director of PIA-NCR

Feedback / Comment

Get in touch