No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Bangsamoro Education Reform and Development Plan, inilunsad ng MBHTE-BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Inilunsad kamakailan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MBHTE-BARMM) ang Bangsamoro Education Reform and Development Plan (BERDP) 2035 na layong magbigay ng mas mahusay na kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral sa rehiyon.

Ayon sa MBHTE, ang BERDP 2035 ay magsisilbing dokumento sa pagbuo ng mga plano at patakaran sa edukasyon sa BARMM hanggang 2035.

Ito ay nakaangkla sa pitong prinsipyo ng inclusivity, equity, rights-based, nakaugat sa konteksto, integrated, balanse, at moral governance.

Base sa nakasaad sa policy briefer, ang BERDP ay may apat na pangkalahatang layunin sa patakaran, access at pakikilahok, kalidad at kaugnayan, pamamahala, at pagkakapantay-pantay.

Ibinahagi ni Education Summit Focal Alfadhar Pajiji na ang BERDP ay nagsimula noong 2019 sa tulong ng United Nation Children’s Fund (UNICEF) at United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO).

Samantala, ang inilunsad na education plan ay isa sa mga highlight ng kauna-unahang education summit ng MBHTE na isinagawa noong Lunes. (With reports from Bangsamoro Government/PIA-XII)



About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch