No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Mga PWD sa Cotabato sumailalim sa pagsasanay sa food processing

LUNGSOD NG KIDAWAPAN, Lalawigan ng Cotabato (PIA)—Sumailalim nitong Lunes at Martes sa skills training on food processing ang abot sa 36 na person with disability o PWD sa lalawigan.

Ito ay bilang paghahanda sa kanilang kakayahan bilang mga benepisyaryo ng livelihood starter kits may kaugnayan sa food processing business.

Nabatid na ang mga benepisyaryong PWD ay sinanay sa paggawa ng siomai, fishball, at kwek-kwek. Ang pagsasanay ay pinangasiwaan naman ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Sa kanyang naging pagbisita sa naganap na pagsasanay, inihayag ni Governor Emmylou Mendoza na suportado ng pamahalaang panlalawigan ang pagsusulong sa kapakanan ng mga taong may kapansanan.

Umaasa ang gobernadora na sa pamamagitan ng tulong na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ay mabibigyan sila ng dagdag na pagkakakitaan. (With reports from IDCD-PGO/PIA-XII)

About the Author

Shahana Joy Duerme-Mangasar

Writer

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch