No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DOH OIC Vergeire binisita ang mga pasilidad ng DJRMHS sa Caloocan

LUNGSOD QUEZON, (PIA) –- Nagtungo noong Biyernes si Department of Health (DOH) Officer-in-Charge Secretary Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire sa Dr. Jose Natalio Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (DJRMHS) sa Caloocan City upang alamin at tiyakin na maayos ang mga pasilidad ng pagamutan na ginagamit sa pagbibigay ng serbisyong medical sa mga mamamayan doon.

Nakasama ni Vergeire si Director Gloria Balboa ng Metro Manila Center for Health Development (MMCHD).

Binisita ng DOH OIC Secretary ang iba’t ibang mga ward pagamutan, gayundin ang molecular at diagnostic laboratories na tumutugon sa mga pangangailangang COVID-19.

Tinungo din ni Vergeire ang mga isolation facility at intensive care unit (ICU) ng DJRMHS gayundin ang mga dialysis machine ng ospital.

Bukod sa dialysis services, hatid din ng DJRMHS ang mga serbisyong kagaya ng physical, at occupational therapy, gayundin ang mga serbisyong may kaugnayan sa radiology, at laboratory and medical-social services and assistance.

“Ating minabuting makapaghatid ng kalidad na serbisyong pangkalusugan ang Kagawaran ng Kalusugan sa ngalan ng Universal Health Care at tiyak na nagpapatotoo rito ang paglilingkod ng ating mga healthcare worker sa DJRMHS,” pahayag ni Vergeire.

“Makaaasang patuloy ang suporta ng DOH hindi lamang sa ospital na ito kung hindi sa iba pang mga institusyon para sa ikabubuti ng kalusugan ng bawat mamamayan saanman sa bansa,” dagdag pa ni Vergeire. (doh/pia-ncr)

About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch