No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

NCRPO, nagbigay paalala sa publiko para kapistahan ng Itim na Nazareno

LUNGSOD QUEZON, (PIA) --Nagbigay ng ilang mahalagang paalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko para sa ligtas na pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno, 

Ayon sa NCRPO, simula 10:00 PM ng Biyernes (January 6), isasara ang kahabaan ng Katigbak Drive, Independence Road, South Drive, at Northbound at Southbound lane ng Roxas Boulevard.

Isasara din ang Northbound at Southbound lane ng Quezon Blvd. mula A. Mendoza/Fugoso patungong Quezon Bridge Straight to P. Burgos (Park n’ Ride) at Westbound at Eastbound lane ng España Blvd. mula P. Campa hanggang A. Mendoza.

Ang kahabaan ng Evangelista St. mula Plaza San Juan to C.M. Rectro Avenue; Raon St. mula Evangelista hanggang Quezon Blvd.; P. Paterno St. mula Quezon Blvd. hanggang Evangelista; at ang Carriedo St. mula Rizal Avenue hanggang Plaza San Juan.

Paalala rin ng NCRPO na sarado rin ang kahabaan ng C. Palanca St. mula McArthur Bridge hanggang Quiapo Ilalim (Quinta Market) patungong P. Casal; Bustos St. mula Plaza Sta. Cruz hanggang Rizal Avenue; Northbound Lane ng Rizal Avenue mula Carriedo hanggang C.M. Recto Avenue; Northbound Lane ng McArthur Bridge; Eastbound at Westbound Lane ng C.M. Recto Avenue mula Rizal Avenue hanggang Nicanor Reyes St; at ang kahabaan ng Nicanor Reyes St. mula España Blvd. hanggang C.M. Recto Avenue.

Dahil nasa panahon pa rin ng pandemya, paalala ng NCRPO na magsuot ng face mask, panatilihin ang tamang agwat, panatilihing malinis ang mga kamay, at magpabakuna o booster kontra COVID-19. 

Para sa emergency, mag text o tumawag sa NCRPO RHQ Text Hotlines: 0915-8888181 o 0999-901-8181. (NCRPO/PIA-NCR)

#Nazareno2023

#ExplainExplainExplain

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch