LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Nagbigay paalala ang Department of Health (DOH) sa mga mananampalataya at publiko upang maiwasan ang sakit dulot ng COVID-19 sa pagdiriwang Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Payo ng DOH sa mga dadalo sa iba't ibang aktibidad hinggil sa pagdririwang na sundin ang mga sumusunod na safety tips:
- Kung maaari, manood na lamang ng virtual Mass ng Quiapo Church sa https://www.facebook.com/quiapochurch
- Magsuot ng mask lalo na sa matataong lugar
- Siguruhing may bakuna at booster para updated ang proteksyon ng buong pamilya
- Maghugas ng kamay
- Iwasang makipagsiksikan at siguruhing maganda ang bentilasyon
Matapos dumalo, payo ng DOH na obserbahan ang kalusugan at mag-isolate kung maramdaman ang alin man sa mga sumusunod na sintomas:
- Lagnat
- Ubo
- Panghihina
- Pagkawala ng panlasa at pang-amoy
- Pananakit ng katawan
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng lalamunan
Paalala ng ahensya na kasabay ng ating pananampalataya ay ang pagmalalasakit sa ating kapwa -- pagmamalasakit sa kanilang kalusugan at kaligtasan laban sa COVID-19. (DOH/PIA-NCR)
#Nazareno2023
#ExplainExplainExplain