No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Samahan ng mga vendors sa Baclaran, pinulong ukol sa pinaigting na clearing operations

LUNGSOD QUEZON) --Nagpulong kamakailan lamang ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Interior & Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), barangay leaders, lokal na pamahalaan ng Paranaque at Pasay, kasama ang mga pinuno ng vendors association sa Baclaran kaugnay sa pagpapaigting ng clearing operations sa lugar at iba pang pangunahing lansangan sa Metro Manila.  

Sa coordination meeting, sinabi ni MMDA General Manager Procopio Lipana sa grupo ng mga vendor na alisin na ang mga sagabal sa daan at bangketa na nagdudulot ng matinding traffic sa lugar ngayong tapos na ang holiday season.

Pinabubuwag din ni Lipana ang mga ilegal na terminals.  

Binigyang-diin ni Lipana na kailangan ng kooperasyon ng lahat para maisaayos ang Baclaran at Mabuhay Lanes. 

Para kay DILG Usec. Felicito Valmocina, dapat aktibo ang kapulisan at barangay matapos ang mga clearing operations ng MMDA para magbantay at mapanatili ang kaayusan. 

Nag-commit naman ang Pasay at Paranaque LGUs na tutulong sa clearing operations. (mmda/pia-ncr) 
 

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch