No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Baby kits, strollers, ipinamahagi ng Mandaluyong City

Photo courtesy of Mandaluyong PIO

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Naghandog nitong Lunes ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ng mga baby kits at grocery packs para sa ilang piling sanggol sa pagsapit ng Bagong Taon.

Sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos, ang mga baby kits at grocery packs ay ibinahagi para sa 15 na mga sanggol na ipinanganak noong December 31, 2022 at January 1, 2023.

Ang panahong ito ay ipinagdiriwang sa buong mundo bilang bisperas ng Bagong Taon kung saan sumisimbolo rin ng bagong swerte o bagong pag-asa sa buhay.

Bukod sa baby kits at grocery packs, namahagi rin ang SM Supermalls at Baby Company ng baby strollers para sa mga maswerteng sanggol. (Mandaluyong City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch