No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

DTI Occ Mdo, higit palalakasin ang OTOP Hub ng probinsya ngayong 2023

Sa pamamagitan ng DTI-OTOP.PH Hub, natutulungan ng pamahalaan ang mga MSMEs na maging market-ready. (PIA OccMdo)

SAN JOSE, Occidental Mindoro (PIA) -- Higit pang pang palalakasin ngayong taon ng Department of Trade and Industry (DTI) Occidental Mindoro ang kanilang One Town One Product (OTOP.Ph) Philippines Hub na matatagpuan sa Municipal Compound ng bayan ng San Jose.

Ayon kay Nornita Guerrero, OIC-Provincial Director, ang OTOP Hub sa probinsya na pinatatakbo mismo ng kanilang tanggapan, ay nilalayon niyang higit na makatulong upang maging market-ready ang mga nagnenegosyo sa lalawigan. Ani Guerrero, malaki ang potensyal ng mga produktong napapasama sa OTOP Hub na higit pang makilala at umunlad, sa tulong na rin ng iba’t ibang programa ng DTI na nakalaan sa mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

Kabilang sa mga programang binanggit ng opisyal ay ang Shared Service Facility (SSF) na itinuturing na flagship project ng Kagawaran at umaalalay sa mga MSME upang mapataas ang kanilang produksyon at kasanayan sa napiling negosyo, gamit ang makabagong teknolohiya. Andiyan din aniya ang Negosyo Center na nagsisilbing tanggapan ng DTI sa 11 munisipalidad ng OccMDo. Dagdag pa ng opisyal na mismong sa Negosyo Center ay makakahanap ng panimulang pagkakakitaan ang isang nagbabalak maging MSME.

Sa mga nakalipas na panayam kay Guerrero ay naipaliwanag nito na bukod sa pagtiyak na nabibigyang proteksyon ang mga mamimili, hangad din ng DTI OccMdo na mapaunlad ang mga nagnenegosyo dahil malaki ang naitututulong nito sa ekonomiya ng probinsya. (VND/PIA MIMAROPA)

About the Author

Voltaire Dequina

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch