No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Liver Cancer at Viral Hepatitis Awareness and Prevention Month ngayong Enero

(PIA CARAGA FB)


MAYNILA, (PIA) -- Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Enero ang Liver Cancer and Viral Hepatitis Awareness and Prevention Month na may temang “Malusog na Atay, Masayang Buhay!”

Ayon sa datos ng Department of Health, mataas ang bilang ng mga Pilipinong nagkakasakit ng liver cancer dahil sa hindi magandang health lifestyle at itinuturing bilang “silent epidemic.”

Kaya naman sa bisa ng Republic Act 10526 noong 2013, ang buwan na ito ay idineklara sa pagsusulong ng mga programa at pagbibigay ng impormasyon tungkol sa liver cancer at viral hepatitis para maagapan ang mga nasabing sakit.

Payo ng DOH, ang fatty liver ay magiging sanhi ng namamagang atay (inflammation). Ito ay maaaring maging cirrhosis o pagkakaroon ng sugat. Kapag dumami at lumala ang mga sugat sa atay, maaari ito maging liver cancer.

Isang pangunahing paraan para umiwas o labanan ang fatty liver ay sa pamamagitan ng magandang diet.

● Kumain ng maraming prutas (na hindi matatamis) at gulay, lalo ang mga gulay na mataas sa fiber tulad ng legumes at whole grains

● Bawasan ang pagkain ng asukal, asin, transfat, saturated fat, and refined carbohydrates

● Umiwas o bawasan ang pag-inom ng alak

(PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch