No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

‘State of calamity’ ng bayan ng Brooke’s Pt., pinalawig hanggang Hulyo 28, 2023

Ang kopya ng resolusyon na nagpapalawig sa pagsasailalim sa 'state of calamity' ng bayan ng Brooke's Point mula Enero 28, 2023 hanggang Hulyo 28, 2023. (Larawan mula sa MIO-Brooke's Point)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Pinalawig pa hanggang sa Hulyo 28, 2023 ang pagsasailalim sa ‘state of calamity’ ng bayan ng Brooke’s Point dulot ng Low Pressure Area (LPA) na nagresulta sa pagkasira ng mga pananim, imprastruktura at mga gamit sa paaralan.

Ang pagpapalawig na ito mula Enero 28, 2023 hanggang Hulyo 28, 2033 ay sa pamamagitan ng Resolution No. 2023-02 na iniakda ni Victoriano B. Colili batay na rin sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng nasabing bayan.

Inaprubahan ito ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Bayan ng Brooke’s Point nitong Enero 10, 2023.

Una nang isinailalim sa ‘state of calamity’ ang Brooke’s Point noong Disyembre 28, 2022 hanggang Enero 28, 2023 dahil sa pagbaha dulot ng shear line.

Layon ng pagpapalawig ng ‘state of calamity’ sa nasabing bayan ay upang mabigyan ng sapat na panahon ang rehabilitasyon ng mga nawasak at malawak na pinsala ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng LPA nitong unang linggo ng Enero.

Ayon sa datos mula sa Damage Assessment and Needs Analysis (DANA) ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) sa apat na munisipyong lubhang naapektuhan ng LPA, partikular ang mga bayan ng Brooke's Point, Sofronio Española, Narra at Rizal, umaabot na sa halagang P120,517,813.75 milyon ang total cost of damages.

Umaasa naman sina Mayor Cesareo R. Benedito, Jr. at Vice Mayor Atty. Mary Jean D. Feliciano na magiging mabilis at mahusay ang pagsasa-ayos at rehabilitasyon upang maibalik sa normal ang sitwasyon ng bayan. (OCJ/PIA-MIMAROPA)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch