
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Pinangunahan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagpapasinaya ng mas pinagandang Parian Creek o mas kilala bilang Bitukang Manok Linear Park.
Kasama sina Vice Mayor Dodot Jaworksi, Representative Roman Romulo, Interior and Local Government Field Office Director Visitacion Martinez, at mga opisyales ng lungsod ang pagpapasinaya ng newly-renovated linear park nitong Martes sa Dr. Sixto Antonio Ave., Barangay Kapasigan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang pagsasaayos ay bahagi ng pagresolba sa problema sa maruming tubig.
Gayundin, kaakibat ng pagsasaayos na masiguro na napapanatiling malinis ang mga estero at patuloy na mapangalagaan ang iba pang daanan ng tubig na nakapalibot sa ating lungsod. (Pasig City/PIA-NCR)