No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Babala ng PNP: Mag-ingat sa ‘Package Scam’

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagbigay babala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na mag-ingat sa "package" scam.

Sa isang abiso mula sa PNP Anti-Cybercrime Group, ang modus operandi umano ay makatatanggap ng tawag ang biktime sa pamamagitan ng automated machine na ‘di-umano’y mula sa Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Kasunod nito ay aabisuhan ang makatatanggap ng tawag na may parcel na nakumpiska na naglalaman ng mga iligal na dokumento gaya ng bank cards at passports, at na ‘di-umano’y isasailalim sa imbestigasyon.

Matapos nito ay may makakausap na mga nagpapanggap na pulis at AMLAC officer na taga Cebu gamit ang Skype application at sasabihing biktima ka raw ng identity theft at kailangang linisin ang pangalan sa pagkakadawit sa money laundering.

Ayon sa PNP, aabisuhan ang target na kailangang personal na magtungo sa Cebu, pansamantalang naka freeze ang account, o mag file ng complaint sa pamamagitan ng Skype.

Kailangan din umano magbayad ng bond habang inaayos ang kaso gamit ang isang e-wallet na kadalasang gamit ng mga scammer.

Payo ng PNP na sakaling makatanggap ng ganitong tawag ay agad i-block ang numero at agad i-report sa mga PNP hotlines:

Hotline number: (02) 723-0401 (loc 7491)
Viber Numbers: 0915-589-8506/0966-627-1257
Facebook page: https://www.facebook.com/anticybercrimegroup
Twitter: https://twitter.com/pnp_acg
Instagram: https://www.instagram.com/anti_cybercrime_group/
YouTube: https://www.youtube.com/channel/UCblrJAOXTU-gXiMZN17XFug

Paalala rin ng PNP na patuloy na mag-ingat sa lumalaganap na panloloko online gamit ang vishing scheme. (PNP/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch