No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Libreng bakuna kontra rabies, aarangkada na sa Makati

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magandang balita! Muling aarangkada ang libreng bakuna para sa mga alagang aso at pusa sa Lungsod Makati.

Iikot ang mga kawani ng Makati Veterinary Services Department sa bawat kanto ng Barangay Rizal at Barangay Pio del Pilar upang magbigay ng free anti-rabies vaccination simula January 24 hanggang January 31, mula 8:30 a.m. hanggang 3:00 p.m.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Makati City Mayor Abby Binay ang mga "fur parents" ng lungsod na pabakunahan ang kanilang mga alaga upang maprotektahan sila laban sa rabies.

Mahalaga umanong masawata ang rabies dahil makamandag itong uri ng impeksiyon, lalo na kung mahawa ang tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na hayop o kaya madapuan ng laway nito ang sugat ng isang tao.

Ayon sa Department of Health (DOH), hindi man ito pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino kada tao pero 200 hanggang 300 tao ang namamatay dahil sa rabies. (Makati City/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch