No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA Road Safety Tips para sa mga bata

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Kasabay ng paggunita ng Children’s Week mula Enero 22-28, 2023, nagbigay ng ilang road safety tips ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa mga kabataan ukol sa tamang paggamit ng lansangan para sa kanilang kaligtasan.

Paaala ng MMDA sa mga kabataan na kailangan maging alerto sa daan at tumingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid ng kalsada. Mainam na gamitin ang pedestrian lane o ang overpass sa pagtawid upang masiguro na ligtas.

Sundin ang mga road signs at huwag gawing playground ang kalsada. Mainam ding alamin ang kahulugan ng mga ilaw ng trapiko para sa kaligtasan.

Ayon sa MMDA, mahalaga na sa murang edad pa lamang ay maibahagi sa mga bata ang tamang disiplina.

Paalala rin ng ahensya sa mga magulang o bantay ng mga bata na turuan sila na maging alisto sa paligid at matutunan ang pagsunod sa mga batas trapiko para maka-iwas sa kapahamakan. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch