No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

257 housing units, nakatakdang iturnover ng MHSD-BARMM

LUNGSOD NG COTABATO (PIA)--Abot sa 257 housing units ang nakatakdang iturnover ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa pamamagitan ng Ministry of Human Settlements and Development (MHSD), matapos ang isinagawang handover ceremony kamakailan mula sa contractor ng ministry.

Mula sa naturang kabuuang bilang ng housing units, 150 units ay ipamamahagi sa mga pamilya ng dating mga combatant, internally displaced persons, informal settlers, at mga mahihirap na pamilya sa buong rehiyon sa ilalim ng Resettlement Project ng pamahalaan ng BARMM.

Limampung units naman ang itinayo sa Barangay Tubig Dakula sa Indanan, Sulu; 50 sa barangay townsite sa Malusa, Basilan;  at 50 rin sa Barangay Buricain sa Pigcawayan, North Cotabato.

Ang natitirang 107 units naman ay maaaring ma-avail ng mga pamilya ng mga indibidwal na may regular ngunit kakaunting kita at kasalukuyang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund. Itinayo ang mga bahay na ito sa Barangay Semba sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Sa kanyang mensahe ay siniguro ni MHSD Director General Esmael Ebrahim na tanging ang mga kwalipikadong benepisyaryo lamang ang makatatanggap ng housing units. (With reports from Bangsamoro Government/PIA-XII)

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch