No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PBBM isinusulong ang Magna Carta for Barangay Healthworkers

LUNGSOD NG HENERAL SANTOS (PIA) -- Kinilala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Miyerkules ang mga kontribusyon ng health workers ng bansa. Ayon sa kanya, ang pagpapasa ng Magna Carta for Barangay Health Workers (BHWs) ay makatutulong sa pagpapabuti ng kanilang kondisyon.

“I’m also happy to say, I was with the PLLO [Presidential Legislative Liaison Office] yesterday and kasama na doon sa napasa na na mga batas ay isa doon was the Magna Carta for Barangay Health Workers. Kaya’t malaking bagay ‘yan,” ani PBBM sa isang pagpupulong sa Malacañang.

“Kami na dumaan sa local government… will never argue with the importance of the barangay health workers and for that matter all the volunteers at the barangay level at ang BHW– siyempre kayo pinakamarami. Lalo na ngayon na maraming sakuna, we know that we can always count on the BHW,” pagbibigay-diin ng pangulo.

Ang Magna Carta for Barangay Health Workers ay isa sa mga House bills sa ilalim ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na naaprubahan sa ikatlong pagbasa ng House of Representatives.

Dagdag ng presidente na malaki ang ginampanan ng mga BHWs sa kasagsagan ng pandemyang coronavirus katulad ng pagbibigay ng serbisyo, pagsasagawa ng house-to-house visits, at pagpapasya kung sinu-sino ang ilalagay sa mga ospital at isolation facilities.

Bukod pa rito, sila rin aniya ang pangunahing pinagmumulan ng impormasyon para sa ginagawang policy decisions ng pamahalaan dahil sa kanilang presensya sa grassroots level.

“At kaya’t para naman magkaroon kami ng magandang decision sa national level ay kailangan pa rin namin ng tulong ng BHW,” ani PBBM.

“I do not know how the government will function without the barangay health workers, without the lupon, without the daycare center workers, lahat ng volunteer workers natin. ‘Yun ang inaasahan talaga ng pamahalaan, ang mga volunteers na tumutulong sa gobyerno at nagdadala ng serbisyo sa gobyerno,” paliwanag nito.

Kasunod ng mga naunang deliberasyon, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang pamahalaan ay tiniyak na ang Magna Carta for BHW ay magiging prayoridad na hakbang at inaasahan niyang walang magiging oposisyon sa panukalang ito dahil napakahalaga aniya ang trabaho ng mga health worker.

“I hope that the passage of the Magna Carta bill will be the beginning of tuloy-tuloy na aming maibibigay na makabawi naman kami, makabawi naman kami sa inyong trabaho, sa inyong volunteer work at to recognize the importance of the work of the barangay health workers,” ani President Marcos.

“We cannot do this without you. Please keep up the good work. And the government and most importantly, our people, are counting on you,” dagdag nito. (Harlem Ferolino, PIA SarGen)

About the Author

Harlem Jude Ferolino

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch