No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA, nagbigay ng safety tips para sa mga bata sa pagsakay sa ferry boats

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Nagbigay paalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng ilang mga paalala o safety tips para sa mga magulang o bantay ng bata sa pagsakay sa ferry.

Ayon sa MMDA, mahalagang sundin ang mga safety tips para ma- secure ang kaligtasan ng mga bata sa loob ng ferry boats.

Paalalahanan ang mga bata na manatiling nakaupo sa biyahe at iwasan ang pagtayo sa loob ng ferry boat, at iwasan din ang paglalaro.

Ituro rin sa mga bata kung paano magsuot ng life vest. Hawakan din ang kamay ng mga bata at gabayan sa paggamit ng handrail, at ilayo sila sa mga bukas na lugar sa ferry.

Tandaan, palagi silang bantayan, alalayan, at turuan ng disiplina para sa kanilang kaligtasan. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch