No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

P1B ayuda, solusyon ni PBBM sa ‘di makabayad sa murang pabahay

(Kuha ni Janna Marie Pineda/PIA-NCR)


MAYNILA, (PIA) -- Benepisyaryo ng murang pabahay ng gobyerno pero kapos sa pambayad ng monthly amortization? May nakitang solusyon dito ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pagtatatag ng P1 bilyong housing subsidy fund para sa mga tatanggap ng low-cost housing units ng gobyerno.

Ito and ibinalita ng Pangulo matapos pangunahan ang groundbreaking ceremony para sa pinakabagong housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program at walkthrough ng Batasan Development Renewal Plan sa Batasan Tricycle Operators and Drivers' Association (BaTODA) Terminal sa Batasan Hills, Quezon City nitong Martes.

"We are still left with a fact that many of our beneficiaries will still not be able to afford the monthly amortization (Ang masaklap na katotohanan ay marami sa ating mga benepisyaryo ang hindi pa rin kayang bayaran ang buwanang amortisasyon ng mga yunit na ito),” ani Marcos, kasama si Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, Mayor Joy Belmonte, at House Speaker Martin Romualdez, matapos ininspeksyon ang plano para sa housing project sa siyudad.

"Pinag-aaralan namin ni Secretary Acuzar ang pagtatayo ng subsidy fund para dito sa ating housing program. Siguro, maglalagay tayo diyan, 'pag nakahanap tayo ng pera, mga P1 billion to start with para meron tayong subsidy na ibibigay para sa ating magiging tenant,” dagdag pa niya, kasabay nito ang pagpapaalala sa kanyang panatang magbigay ng "disente at abot-kayang pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino."

Paliwanag ni Marcos, bahagi ng 4PH housing project sa Batasan ang pagtatayo ng 33-storey building na may kabuuang 2,160 housing units para sa mga tricycle operator at drayber at ilang maralitang taga-lungsod. 

On this site we build two high-rise buildings with more than 2,100 units for the BaTODA members and their families in the city. Ang ground floor ng mga building na ito ay magiging tricycle terminal,” anang Pangulo.

Pinasalamatan din ni Marcos ang DHSUD sa pangunguna sa flagship housing program ng pambansang pamahalaan, gayundin ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa suporta at paglalaan nito ng lupa at kaukulang pondong pinansyal para sa naturang proyektong pabahay.

Nagpahayag din siya ng pag-asa na agarang aaprubahan ng Kongreso ang kanyang panawagan para gawing bahagi na ng regular appropriations ang housing interest support.

"The government is committed to secure the needed housing interest support for 2023. I now call on Congress for your support, including housing interest support as part of the regular appropriations for the succeeding years,” ani Marcos.

Kaugnay nito, pinasalamatan din ni Mayor Belmonte ang Pangulong Marcos sa suporta nito sa kanilang lungsod. (PIA-NCR)

About the Author

Jerome Carlo Paunan

Editor

NCR

Feedback / Comment

Get in touch