
LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Paalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na huwag tambakan ng basura ang bangketa.
Ayon sa ahensya, ang bangketa ay ginawa para maging daanan ng tao, hindi para gawin tambakan ng mga basura.
Paalala ng MMDA sa lahat na magkaroon ng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura. Paghiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok at ilabas lamang ang mga ito sa araw ng garbage collection sa inyong lugar para hindi ito kumalat pa sa mga lansangan.
Alagaan ang kalikasan upang magkaroon ng malinis at maunlad na komunidad. (MMDA/PIA-NCR)