No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

PESU ng South Cotabato"fully functional"

Dr. Rogelio Aturdido Jr., provincial health officer

LUNGSOD NG KORONADAL, South Cotabato (PIA) -- "Fully functional" ang Provincial Epidemiological and Surveillance Unit  (PESU) at mga epidemiological and surveillance sa mga munisipyo ng South Cotabato, ayon kay Provincial Health Officer, Dr. Rogelio Aturdido Jr. 

Sa Hinun-anon Program ng Provincial Information Office, binigyang-diin ni Dr. Aturdido na hindi lang basta-basta tinatatag ang PESU. Nagsisilbi itong "radar" at "defender" laban sa mga sakit. 

Aniya, dahil sa PESU at mga katuwang nito sa mga munisipyo, naiiwasan ng lalawigan ang pagkakaroon ng disease outbreak.

Kabilang sa mga sakit na minamanmanan ng PESU ay tuberculosis, human immunodeficiency virus (HIV), malaria, filariasis, at marami pang iba.  Ang PESU rin ang nag-momonitor sa coronavirus disease. 

Dahil sa mga ginagawa ng PESU, nakapaglalatag ang probinsya ng magandang plano laban sa mga sakit na maaring makaapekto sa mga residente rito. 

Binigyang-diin din ni Dr. Aturdido na dahil sa pagmamanman ng PESU at mga katuwang nitong epidemiological and surveillance units sa mga munisipyo, napapanatili ng South Cotabato ang estado bilang filaria-free sa halos isang dekada na, at maging ang pagiging malaria-free nito mula pa noong 2017. 

Hanggang sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang South Cotabato isang polio-free na probinsya.  (Photo grabbed from Provincial Government of South Cotabato Facebook Page)

About the Author

Danilo Doguiles

Officer-in-Charge

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch