No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Karagdagang prangkisa para sa 100,000 TNVS sa Metro Manila, papayagan ng LTFRB

Atty. Teofilo Guadiz III, LTFRB Chair

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasahero sa Metro Manila, papayagan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makakuha ng prangkisa ang nasa 100,000 sasakyan.

 Ayon kay LTFRB chair Atty. Teofilo Guadiz III, sa ngayon ay nasa 100,000 sasakyan muna na nakarehistro sa Grab ang mabibigyan ng prangkisa.

Gayunman, sakali aniyang hindi pa rin sumapat ang nasabing bilang, daragdagan ito ng ahensya batay sa mga pangangailangan ng mga pasahero.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng napaulat na “investment pledge” mula sa kumpanyang Grab na maaaring magresulta ng 500,000 dagdag na trabaho sa mga Pilipino.

Ayon kay Guadiz, may 500,000 bagong hanapbuhay ang kaakibat ng maaaprubahang 100,000 prangkisa.

“But 100,000 is the initial, hindi naman natin bibiglain lahat 'yan to prevent saturation in the market,” ani Guadiz.

“So initially, 100,000 and increasing further in 3-months’ time. We may increase the number until such time that the number of TNVS matches the needs of the riding public..." dagdag pa niGuadiz.

Bukod dito, binigyang-diin ni Guadiz na susubukan din ng ahensya na makapagbigay ng prangkisa sa ilan pang motor vehicles sa ibang bahagi ng bansa tulad ng mga lungsod ng Bacolod, Iloilo, Cebu, at Davao.

Maglalabas aniya ang ahensya ng dalawang memorandum circular na naglalaman ng panuntunan at iba pang kwalipikasyon para sa mga tsuper.

“Normal qualifications lang naman 'yon. Una, Professional Driver's License at pangalawa, seminar of 15-hours. The seminar is more on road safety to ensure that there would be minimal accident on the road especially motorcycle taxi,” saad ni Guadiz.

Naniniwala aniya ang LTFRB na ang pagbibigay ng prangkisa na ito ay makatutulong para mabigyan ng mas malawak na serbisyo ang publiko. (ltfrb/pia-ncr)

About the Author

Susan De Leon

Assistant Regional Head

NCR

IO 3

Feedback / Comment

Get in touch