No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Palarong Pambansa, muling gaganapin ngayong 2023

(Palarong Pambansa logo)


LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Matapos ang tatlong taong pagsususpinde dahil sa COVID-19, muling isasagawa ang Palarong Pambansa sa darating na Hulyo 29 hanggang Agosto 5, 2023.

Ang multi-sport competition ngayong taon ay gaganapin sa Lungsod Marikina, bilang host kasama ang Department of Education – National Capital Region (DepEd-NCR) at Schools Division Office ng Marikina City.

Bukod sa mga estudyanteng atleta mula sa 17 DepEd regional athletic associations, bukas din ang patimpalak sa mga Pilipinong atleta mula sa kinikilalang paaralan sa ibang bansa sa ilalim ng Philippine Schools Overseas (PSOs).

Dagdag pa rito, upang makapagbigay ng kalidad at mabilis na takbo ng patimpalak, ipinakikilala ng DepEd ang bagong tier ng kompetisyon na Pre-National Qualifying Meet. Kung saan tanging ang team sports tulad ng baseball, basketball, football, futsal, sepak takraw, at volleyball ang itatampok dito.

Gaganapin ang Clustered Pre-National Qualifying Meet sa Hulyo 17 hanggang 21.

Sa ilalim ng bagong format, hahatiin ang delegasyon sa apat na grupo base sa kanilang geographical location. Kabilang sa Cluster 1 ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region (CAR); sa Cluster 2 ang CALABARZON, MIMAROPA, NCR, at Bicol Region; sa Cluster 3 ang Western, Central, at Eastern Visayas at Zamboanga Peninsula Region; at sa Cluster 4 ang Northern Mindanao, Davao, SOCCKSARGEN, CARAGA, at BARMM.

Isa sa mga layunin ng bagong edisyon ng kompetisyong ito na hindi makasagabal sa pag-aaral ng mga estudyante, at maayos na maipatupad ang minimum public health and safety protocols.

Para sa karagdagan pang detalye ukol sa 2023 edisyon ng Palarong Pambansa, bisitahin ang https://bit.ly/2023-palarong-pambansa (PIA-NCR)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch