No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Programang tututok sa pangangailangan ng mga senior citizen, inilunsad ng BARMM Gov’t

LUNGSOD NG COTABATO (PIA )-- Inilunsad noong Martes, Pebrero 14 ng pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), sa pamamagitan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ang bagong programa na tututok sa mga pangangailangan ng mga senior citizen sa rehiyon.

Ito ay sa pamamagitan ng programang tinawag na ‘Hadiya: Care Packages for Elderly Bangsamoro.’

Sa isinagawang ceremonial launching sa bayan ng Pigcawayan sa North Cotabato, abot sa 60 na senior citizens ang nakatanggap ng Hadiya o regalo na naglalaman ng iba’t ibang kagamitan na makatutulong upang i-monitor ang kanilang kalusugan.

Bawat gift package ay naglalaman ng digital blood pressure monitor, finger pulse oximeter, temperature scanner, pillbox, dalawang kahon ng disposable face mask, liniment oil, rubbing alcohol, dalawang pakete ng adult diaper, hot at cold compress device, talcum powder, mentholated rub, wooden black scratcher, dalawang pakete ng powdered milk, mga medyas,tuwalya, ointment, povidone-iodine, gauze bandage, surgical tape, cotton balls, band aid, at tissue rolls.

Sinabi ni MSSD Chief of Staff Lyca Therese Sarenas na layunin ng programa na mas paigtingin pa ang pagbibigay ng tulong ng ministry sa mga senior citizen bilang isa aniya sa mga prayoridad ng pamahalaan ng BARMM. (With reports from Bangsamoro Government) 

About the Author

Lean Twinkle Bolongon

Job Order

Region 12

Feedback / Comment

Get in touch