No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

“No Left Turn, Right Turn Only” traffic scheme ipatutupad sa Taguig City

(Larawan mula sa) 

LUNGSOD QUEZON (PIA) – Simula Marso 1 ipatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang polisiyang “NO LEFT TURN, RIGHT TURN ONLY” traffic scheme sa mga kalsada ng Acacia Estates Intersection at Grace Residences mall intersection sa kahabaan ng Cayetano Boulevard.

Ang ipatutupad na traffic scheme ay isang eksperimentasyon na may layong mapabuti ang trapiko sa lungsod at maiwasan ang mga aksidente.

Inaanyayahan ang lahat na maapektuhan ng nasabing scheme na magbigay ng komento o suhestiyon sa pamamagitan ng pagsagot sa Google form link na ito https://bit.ly/CityOfTaguigNewTrafficSchemeFeedbackForm.

Narito naman ang mga alternatibong ruta na maaaring gamitin ng mga motorista:

(TAGUIG PIO/PIA-NCR)

About the Author

Jumalynne Doctolero

Information Officer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch