No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

Organic fertilizer mula sa kitchen wastes, nagagawa ng isang barangay sa Marikina

LUNGSOD QUEZON, (PIA) – Sinadya kailan lamang ng mga kinatawan ng Department of Environment & Natural Resoures (DENR Metropolitan Environmental Office-East (MEO-East) ang Barangay Concepcion Uno ng Marikina City upang tignan ang natatanging Bio Gas Digester ng lungsod. 

Sa pahayag ni Marilee Joy Castro, ang namamamahala sa pagpapatakbo ng pasilidad, ginawa ng Department of Science and Technology (DOST) ang Bio Gas Digester sa tulong ni Rep. Stella Quimbo. 

Ayon kay Castro, may kakayahan ang Bio Gas Digester na gawing organic fertilizer o pataba ang isang (1) tonelada ng kitchen waste o mga basurang nabubulok. 

Kinokolekta ng mga kawani ng barangay ang mga kitchen waste sa mga kabahayan at dinadala sa Bio Gas Digester.  Ibinebenta naman ng barangay ang mga pataba sa murang halaga.

Sa pahayag naman ni G. Gerry Sto. Domingo, Punong Barangay ng Concepcion Uno, malaking tulong ang bio digester para sa pamamahala ng basura sa kanilang nasasakupan. 

Sa ilalim ng Batas Pambansa Blg. 9003, ang barangay ang may pangunahing responsibilidad sa pamamahala ng basura sa kanilang lugar. 

Ipinag-uutos ng batas ang pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF) kung saan ginagawa ang pagko-compost ng nabubulok na basura at paghihiwalay ng recyclable materials.  Tanging mga residual na basura ang dapat na dinadala sa disposal facility o sanitary landfill. (denr ncr/pia-ncr)


About the Author

Alaine Allanigue

Writer

NCR

Feedback / Comment

Get in touch