LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng BIDA Bayanihan ng Mamamayan Fun Run at Serbisyo Caravan kasama ang may16,245 BIDA advocates na tumakbo at sumuporta kahapon, nanindigan si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos, Jr. sa tuloy-tuloy na kampanya laban sa iligal na droga sa ilalim ng Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan (BIDA) ng kasalukuyang administrasyon.
"The government is hell-bent at curtailing the proliferation of illegal drugs in the country. Tuloy-tuloy ang cleansing of our ranks at case build-up laban sa mga pulis na sangkot sa iligal na droga. Tuloy-tuloy rin ang panghuhuli natin, pero ang maganda ay sabay ang demand reduction efforts natin. Kapag gumagalaw ang pamilya, ang mga barangay. It's a whole -of-nation approach," ani Abalos.
Ayon sa Kalihim, sama-samang nakikiisa ang mga ahensya ng pamahalaan katuwang ang iba't ibang sektor ng lipunan sa iisang layunin na putulin ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa partikular sa demand reduction nito.
“We know this is a global problem. Itong araw na ito, nagpapatunay na hindi lamang ang PNP at PDEA ang lumalaban sa droga. Lahat tayo may papel, sama-sama tayong mananalo sa droga. Together, we will show that Philippines is against drugs," aniya.
Nagpapasalamat din si Abalos sa higit 16,000 na nakiisa at tumakbo sa BIDA Fun Run ngayong umaga sa Block 16, Mall of Asia, Pasay City kasabay ang pag-anyaya sa mga runners na makinabang sa mga serbisyo ng pamahalaan sa BIDA Serbisyo Caravan.
"The support we are getting for the BIDA Program is truly overwhelming. Salamat sa pagsama sa amin sa fun run. We hope you are also able to take advantage of the services catered by our caravan," ani Abalos