No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

MMDA, magde deploy ng mga 'libreng sakay' buses kaugnay ng isang linggong tigil pasada

LUNGSOD QUEZON, (PIA) -- Magde deploy ng mga bus ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa susunod na linggo upang matulungan ang publiko na maaapektuhan ng planong tigil pasada sa Metro Manila

Ayon kay MMDA acting Chair, Atty. Don Artes, nakikipag-ugnayan din sila sa Department of Transportation (DOTr) at Department of the Interior & Local Government (DILG) upang mabigyang ayuda ang mga mananakay sa isang linggongtransport strike.

Nakipagpulong kahapon si Artes sa Metro Manila Council upang alamin ang mga hakbang na inihahanda ng mga mayors ng NCR at bumuo ng konkretong plano upang makatulong sa publiko habang may tigil pasada ang ilang transport group.

Kasamang inaalam kung anong ruta ang maaapektuhan ng tigil-pasada at magkakaroon ng coordinated dispatch ng mga ipakakalat na sasakyan para hindi mawalan ng masasakyan ang mga mananakay.

Gayundin, pinag-aaralan ang posibleng pagsuspinde ng number coding scheme sa unang araw ng transport strike. (MMDA/PIA-NCR)

About the Author

Jimmyley Guzman

Information Officer III

NCR

Feedback / Comment

Get in touch