LUNGSOD PASIG, (PIA) -- Ngayong Women’s Month, handog ng Pamahalaang Lungsod ang isa sa mga Serbisyo Para Kay Juana ngayong Buwan ng Kababaihan ang “Juana Ride- Libreng Sakay sa Kababaihan” sa pakikipagtulungan ng Pasay Tricycle and Pedicab Franchising Office (PTPFO).

Ito ay magsisimula ngayong araw, Marso 6 hanggang Marso 31, Lunes hanggang Biyernes, sa ganap na 9:00am hanggang 2:00pm para sa publiko at 3:00pm hanggang 5:00pm naman para sa mga kawani ng lungsod na magmumula sa city hall patungo sa mga sumusunod na drop-off points:
- EDSA-C. Jose Malibay
- Dominga
- Leveriza
- FB Harrison - Vito Cruz
- FB Harrison - MOA
- Libertad - M. Dela Cruz
- Protacio - Cabrera
Para sa taong ito hanggang 2028, ang tema ng pagdiriwang ay “WE for gender equality and inclusive society.” (Pasay City/PIA-NCR)