No. of :

No. of Shares:

Currently viewed by: Marcus Rosit

West Philippine Seascape CSOs Summit, isinagawa sa Puerto Princesa

West Philippine Seascape CSOs Summit, isinagawa sa Puerto Princesa

Isa si Palawan 3rd District Representative Edward S. Hagedorn sa naging tagapagsalita sa pagtatapos ng West Philippine Seascape Civil Society Organizations Summit nitong MArso 3, 2023. Si Cong. Hagedorn ang nagsusulong sa Kongreso na gawing Marine Protected Area ang mga isla sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIA-Palawan)

PUERTO PRINCESA, Palawan (PIA) -- Isinagawa sa Lungsod ng Puerto Princesa nitong Marso 1 hanggang Marso 3 ang West Philippine Seascape Civil Society Organizations Summit na may temang: ‘Para sa Buhay at Kabuhayan (For Life and Livelihood): Harnessing the Voice of the CSOs to Protect WPS’.

Ito ay magkatuwang na itinaguyod ng Western Philippines University (WPU), mga Civil Society Organizations at United States Agency for International Development (USAID) sa tulong na rin ng tatlo pang proyektong pinondohan ng USAID, ang FishRight, SIBOL at INSPIRE.

Dinaluhan ito ng mahigit 150 miyembro ng mga CSOs sa buong Pilipinas na kinabibilangan ng mga grupo ng mga mangingisda at magsasaka sa mga lugar na sakop o nakikinabang sa West Philippine Sea.

Pinag-usapan sa nasabing summit ang iba’t-ibang isyung at problemang kinakaharap ng mga mangingisda sa pinag-aagawang isla na sakop ng munisipyo ng Kalayaan.

Gayundin ang pagbuo ng matatag na grupo o malawakang alyansa ng mga environment warriors na siyang tututok para mabigyan ng karampatang kabuhayan, masagana at mapayapang buhay ang mga pilipinong dapat ay nakikinabang sa yaman ng West Philippine Sea maging sa konserbasyon nito.

Sa pagtatapos ng summit ay naging tapagsalita sina Ramon Magsaysay Awardee Ka Dodoy Ballon, Palawan 3rd District Representative Edward S. Hagedorn at USAID Mission Director Ryan Washburn.

Si Cong. Hagedorn ang nagsusulong sa Kongreso na gawing Marine Protected Area (MPA) ang mga isla na kabilang sa Kalayaan Island Group (KIG) sa West Philippine Sea at sa kanyang mensahe, sinabi nitong “Habang may Kalayaan, may Pag-asa”.

Pinuri naman ni USAID Mission Director Washburn ang nagkakaisang aksyon ng civil society organizations para sa konserbasyon ng West Philippine Seascape.

Sinusuportahan din ng summit na ito ang 4th International West Philippine Sea Summit na gaganapin sa darating na Agosto. (OCJ/PIA-MIMAROPA, Palawan)

About the Author

Orlan Jabagat

Writer

Region 4B

Feedback / Comment

Get in touch